Dagupan City – Nagsagawa ng police visibility, school visit, police assistance desk at dialogue ang mga tauhan ng Labrador Police Station noong Oktubre 7, 2026 sa Labrador National High School sa Barangay Poblacion, Labrador, Pangasinan.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ Socorro F. Arciaga, OIC ng Labrador Police Station, bilang bahagi ng pagpapaigting ng presensya ng pulisya sa mga paaralan.
Layunin ng school visit at dialogue na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan, mga guro at mag-aaral, gayundin ang pagbibigay ng kaukulang police assistance at seguridad sa loob at paligid ng paaralan.
Sa pamamagitan ng aktibidad, nabigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng paaralan at pulisya upang mapanatili ang ligtas at maayos na learning environment.
Patuloy namang paiigtingin ng Labrador Police Station ang police visibility at community engagement bilang bahagi ng mga hakbang para sa kaligtasan at kapayapaan ng komunidad.









