Naniniwala ang isang sports analyst na maganda ang laban ngayon ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay American Boxer Mario Barrios.

Ayon kay Mortz C. Ortigoza, sports analyst sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, si Pacquiao ay inaasahang kikita ng P1.1 billion habang si Barrios naman ay kikita lamang ng P142 million pero ito na umano ang pinaka malaking kikitain ng American boxer.

Huling lumaban si Pacquiao ay noong 2021 ng talunin siya ni Yordenis Ugas sa pamamagitan ng unanimous decision.

--Ads--

Habang ang 30-anyos na si Barrios ay huling lumaban noong Nobyembre ng nakaraang taon sa pamamagitan ng 12-round split draw laban kay Abel Ramos.

Ani Ortigoza, kung ang pag uusapan ay ang lakas at kahinaan ng dalawang boksingero bagamat 30 anyos si Barrios at masasabing bata pa ay hindi masasabing mahina na si Pacman sa edad na 46 anyos.