Nabigo ang Team Secret na makausad sa VCT Pacific Kickoff matapos matalo mula sa koponan ng ZETA Division, grupo mula Japan, sa lower bracket ng bagong triple elimination format ng torneyo.
Nagtapos ang kanilang harapan sa 1-2 pabor sa ZETA.
Walang naitalang panalo ang grupo sa kanilang pakikipagtunggali sa naturang torneyo.
Ang kanilang pagkatalo ang tumuldok sa kanilang pagkakataon na makapasok sa international VCT tournament na gaganapin sa katapusan ng February.
Sa Bind, nakagawa ng 4 rounds lead ang Secret ngunit pinilit itong habulin ng ZETA subalit, pumabor ang panalo sa Secret na nagtapos sa 13-4.
Sa Split, binaliktad ng ZETA ang sitwasyon nang makapagtala naman sila ng 8-round streak bago pa makapanalo ng isang round ang Secret.
Nasundan pa ng Secret na manalo sa 3 pang rounds subalit tinapos ng ZETA ang laro sa 4-13.
Tuluyan nang tinuldukan ng ZETA ang pag-arangkada ng Secret nang tapusin nila ang paghaharap sa Abyss sa mainit na 11-13.
Nakapagtala si Jessie “JessieVash” Cuyco, in-game leader ng Secret, ng 51-42-15 KDA (Kills/Death/Assist) sa Agents na sina Fade at Sova.
Habang si Kelly “kellyS” Sedillo naman ay nakagawa ng 46-46-10 KDA.










