Dagupan City – Ipinaabot ng aktres na si Kim Chiu ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa nakuha nitong Outstanding Asian Star award sa Seoul International Drama Awards 2024.

Ang Seoul International Drama Awards ay isang taunang pagdiriwang na naigagawad sa mga natatanging palabas sa television drama sa buong mundo.

Sa social media post ni Kim, inupload nito ang imbitasyon sa kaniya, habang caption naman nito ang kaniyang labis na pasasalamat.
Samantala, kasama naman sa nominasyon sina Paulo Avelino (Linlang), Nadine Lustre (Road Killers), Bea Alonzo (Love Before Sunrise), Rhian Ramos (Royal Blood), Krissha Viaje (Safe Skies Archer), Jerome Ponce (Road Killers/Safe Skies Archer), Dingdong Dantes (Royal Blood), Jane Oineza (Cattleya Killer), Dennis Trillo (Love Before Sunrise), Andrea Torres (Love Before Sunrise), Arjo Atayde (Cattleya Killer), Bodjie Pascua (Road Killers), and Sid Lucero (Love Before Sunrise).

--Ads--

Bukod kay Kim, nakilala na rin sa Seoul International Drama Awards ang mga iba pang Filipino talents na kinabibilangan nina Dennis Trillo (2016), Gabby Concepcion (2017), Alden Richards (2019), Dingdong Dantes (2020), Belle Mariano (2022), and Kathryn Bernardo (2023).