Muling nagparamdam sa social media ang aktor na si Ken Chan matapos ang matagal na pananahimik sa gitna ng kinahaharap nitong kasong syndicated estafa.
Noong Hulyo 5, nagbahagi si Chan ng waving hand emoji sa kanyang Facebook account na walang kalakip na mensahe o larawan.
Nag-iwan din siya ng ilang emojis sa comments section at pinalitan ang kanyang cover photo.
--Ads--
Agad namang nagpahayag ng pananabik at suporta ang kanyang mga tagahanga sa comments section ng naturang post.
Matatandaang nahaharap si Chan sa kasong syndicated estafa kaugnay ng umano’y maanomalyang investment deal na nagkakahalaga ng P14 milyon na isinampa noong 2024.
Huling nakita ng publiko ang aktor sa tv network Gala noong Hulyo 2024.










