Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang isang social media post ni Megastar Sharon Cuneta ang isang prescious gift na natnggap niya galing sa kaniyang anak.
Proud na proud naman ang megastar sa natanggap at binigyan niya ng madamdaming captiona ng kaniyang post.
Kabilang sa kaniyang natanggap na regalo ay ang hikaw at kuwintas na gawa ng isang mamahaling jewelry brand.
Makikita naman na bawat isang regalo niya sa ina ay may handwritten message si KC.
Sa regalo namang kuwintas ni KC, makikita rito ang initial ng pangalan ni Sharon na “S.
Caption ni Sharon sa post, maganda raw ang mga regalo na ipinadala ng anak, ngunit mas maganda raw ang mga kaakibat nitong mga salita sa sulat.
Sa comments sectiom, sinabi naman ni KC na kinilig siya sa mensahe ng ina.
Masasabing naibalik na nga sa dati ang relasyon ng mag-ina matapos nilang plantsahin ang hindi nila pagkakaintindihan nitong mga nakaraang taon.