Muling nagdiwang ang Pilipinas sa international pageantry matapos koronahan si Ma. Katrina ”Kat” Llegado bilang Miss Supranational 2026 sa Nowy Sącz, Poland nitong Sabado, August 1 (araw sa Pilipinas).
Tinalo ni Katrina ang 66 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa upang masungkit ang ikalawang korona ng Pilipinas sa Miss Supranational.
Sa final question-and-answer round, dito tinodo ni Kat ang kaniyang paniniwala na hindi kailangang umayon ang isang babae sa sinasabi ng iba.
“I always believe that we should never fit into a mold. We are perfectly imperfect,” she said. “I am someone who struggles with perfection. I am here today doing my best and becoming my best version,” ani Katrina.
Nabatid na isa ring military reservist ng Philippine Air Force si Kat, kung saan umayon ang tadhana sa dalaga matapos ipasa ni Eduarda Braum ng Brazil ang korona.
Kasabay ng koronasyon, unang ipinakilala rin ng organisasyon ang bagong Fioletowa Crown, na dinisenyo ng Venezuelan jeweler na si George Wittels at tampok ang mga kulay ng lilang gemstones bilang simbolo ng ambisyon, dangal, at tagumpay ng isang babae.
Ang tagumpay ni Katrina Llegado ang naghatid sa Pilipinas ng ikalawang Miss Supranational crown, 13 taon matapos ang makasaysayang panalo ni Mutya Datul noong 2013. | via Bombo John Florez










