DAGUPAN CITY- Pumalo sa 25 ang kaso ng jellyfish sting sa Binmaley beach dahilan upang pansamantalang isara ang naturang lugar.
Ayon kay Armenia Delos Angeles, Officer-in-charge ng MDRRMO-Binmaley, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, isa sa mga dinala sa pagamutan ay isang 5 buwan taon gulang.
Aniya, marahil dulot ng sabay na magandang alon at mainit na panahon.
Ito rin aniya ang araw kung kailan dinagsa ng mga bisita ang Binmaley Beach.
Agad nakipag-usap si Angeles sa mga awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan ng mga beach goers.
Patuloy pa ang kanilang pagmonitor at ang pag-abiso sa mga publiko na iwasan ang pagligo sa naturang karagatan.
Ayon naman sakaniya, masasabing nabiktima ng jellyfish sting ang isang tao kapag ito ay nakaramdam ng pangangati at may pagpapantal at kalaunan ay mamamaga.
Kaniyang inaabisuhan ang mga biktima agad itong ilapit sa mga awtoridad upang mabigyan ng agarang atensyong medikal.
Binigyan linaw din ni Angeles na maling paniniwala ang pag-ihi sa bahaging may jellyfish sting at mas maiging suka (vinegar) ang gamitin upang ma-neurtralize ang hapdi nito.










