Nagbabala ang mga eksperto sa batas at mga awtoridad laban sa tumataas na bilang ng mga kaso ng cyberlibel sa bansa, kasabay ng patuloy na paglaganap ng social media bilang pangunahing plataporma ng komunikasyon at opinyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joey Tamayo – Co-anchor, Duralex Sedlex taong 2023 ay higit tatlong libong katao ang nakasuhan hinggil dito.

Kung saan isa ito sa mga napakaraming kasong naitatala sa Pilipinas.

--Ads--

Aniya ang cyberlibel ay ang paglalathala o deklarasyon sa isang tao upang sirain ang kaniyang pagakatao sa social media o anumang digital platforms.

Bagama’t mayroon tayong “freedom of speech” dapat ay maging maingat at responsable parin sa pagpopost online.

Paalala naman nito sa publiko na habang patuloy ang digital transformation ng lipunan, nananatiling mahalaga ang digital responsibility at ethics upang mapanatili ang maayos at ligtas na paggamit ng internet sa bansa.