Dagupan City – Ipinamahagi ang karagdagang kagamitan sa Tarlac City bilang suporta sa nagpapatuloy na operasyon kasunod ng pagbagsak ng tulay na nag-uugnay sa lungsod sa mga western barangay at northern municipalities ng Tarlac Province.

Ayon kay Arvin Cabalu, Tarlac Provincial Information Officer, ginagawa na ang pedestrian bridge at inihahanda rin ang mga rubber boat na gagamitin ng mga residente bilang alternatibong paraan ng pagtawid. Kabilang sa mga ipinahiram ang 50 sa 125 pontoon, tatlong rubber boat na may outboard motors, apat na Thai boat, 50 life vest at 10 throw rope.

Mayroon ding idinagdag na mga tauhan at kagamitan kabilang ang isang ambulansya at crew, isang search and rescue team, mobile patrol unit, military truck, apat na bagong truck, at dalawang Travis unit kasama ang mga driver at assistant.

Aniya, libre ang paggamit sa mga kagamitang ito at sasailalim din sa pagsasanay ang mga lokal na opisyal para sa wastong paggamit nito.

Samantala, sinabi ni Cabalu na inaasahang mga residente mula sa Barangay Tebag at mga kalapit na lugar ang pangunahing gagamit ng Aquino Footbridge.

Para naman sa kabilang ruta, mga light vehicle lamang ang pinapayagang dumaan sa Bailey Bridge.

Dahil dito, nakararanas umano ng matinding pagsisikip ng trapiko sa lugar dahil one-way na lamang ang daloy sa Bailey Bridge.

Umaabot aniya sa mahigit isang oras ang paghihintay ng mga motorista, habang mga sasakyang may bigat na mas mababa sa 10 tonelada lamang ang pinapayagang tumawid.

Samantala, umaasa naman ang mga awtoridad sa panawagang mahanap na umano Paul Harvey Callado na isa a nawawala pa rin matapos mahulog sa Tarlac River ang sinasakyan nilang SUV kasunod ng pagguho ng bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City noong Agosto 29.