Hindi umano si Bianca Manalo ang dahilan sa sinasabing hiwalayan ng isang beauty queen at ng milyonaryo nitong boyfriend at magiging ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Lumabas sa isang online news site na hiniwalayan diumano ng tech millionaire, British national, at philanthropist na si Jonathan Michael Sterling ang partner nitong si Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi.
Ang sinasabi nilang dahilan at third party ay si Bianca, na kinoronahang Bb. Pilipinas Universe noong 2009.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Sparkle, single si Bianca at walang idini-date sa kasalukuyan.
January 2025, naintriga ang relasyon nina Bianca at Senator Sherwin Gatchalian nang mapansin ng netizens na hindi na nila ipinu-post ang isa’t isa sa kani-kanilang social media accounts.
Nangyari ito matapos hiwalay na magdiwang ng Pasko ang dalawa noong December 25, 2024.
Nag-post ng holiday pictures ang senador pero wala si Bianca sa mga ito.
Samantala, si Bianca naman ay nagdiwang ng kanyang 2024 holiday sa Japan.
Sa isang panayam naman kay Sherwin noong January 21, 2026, sinabi niyang “non-existent” ang kanyang love life na nagpapahiwatig na hiwalay na talaga sila ni Bianca.
Samantala pang pahayag sina Celeste at Jonathan sa nasabiing isyu.
//via PEP










