Dagupan City – Ihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Mapandan ang pinakahihintay na selebrasyon ng Kalutan Ed Dalan na parte ng kapistahan at inaasahang magbibigay-saya at pagkakaisa sa mga residente at bisita ng bayan.

Ang taunang aktibidad na ito ay layong palakasin ang samahan ng mga residente sa pamamagitan ng sama-samang ihawan sa kahabaan ng mga itinalagang lugar sa Mapandan.

Inaanyayahan ang lahat na makilahok at makisaya sa okasyon puno ng kasiyahan at masasarap na inihaw na pagkain.

--Ads--

Tampok sa programa ang pagbibigay ng basic grill package na maaaring i-avail sa halagang ₱2,499, na angkop para sa mga grupong nais mag-enjoy nang sama-sama habang ipinagdiriwang ang okasyon.

Ayon sa mga tagapag-ayos ng aktibidad, inaasahang dadagsa ang mga kalahok kaya hinihikayat ang mga interesadong magpareserba nang mas maaga.

Para sa reservations at iba pang katanungan kaugnay ng Kalutan Ed Dalan, maaaring bumisita ang publiko sa Mayor’s Office ng Mapandan mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, tuwing araw ng pasok.