Dagupan City – Tuluyan nang inilahad ng dating TV host na si Janelle Jamer na ang tinutukoy nito sa kaniyang cryptic post ay si Claudine Barretto hinggil umano sa isang matalik na kaibigan na inihalintulad niya sa ahas.

Ayon sa ulat, ibinahagi ng aktres na si Claudine sa kaniyang social media account ang quote na sinasabing ang mga kaibigan na pinipiling maging kaibigan ang mga taong inaabuso ka ay hindi totoong kabigan.

Base sa nilalaman nito, ang tinutukoy ni Claudine na “ahas” ay isang dating malapit na kaibigan na hindi pinahalagahan ang kanyang mga anak at fans (Claudinians). Kung kaya’t ito ang dahilan kung bakit tila inilibing na rin daw ni Claudine ang pagkakaibigan ng tinutukoy niyang “BFF.”

--Ads--

Dahil sa post niyang ito, nagkaroon ng ideya at naikonek ng ilang followers ni Claudine kung sino ang posible niyang pinatatamaan.
Ayon sa followers ng aktres, ang pinatatamaan nito ay ang matagal na niyang “BFFs” na sina Janelle Jamer at Tia Perfecto.

Hanggang sa may mga nitizen na rin ang bumisita sa social emdia account ni Janelle na siyang pumukaw rin ng atensiyon sa isang post nitong pinaniniwalaang sagot o patama niya sa naunang IG post ni Claudine.

Kung saan ay inamin ni Janelle na may pinagdadaanan sa kasalukuyan ang pagkakaibigan nila ni Claudine.