Nagsama muli sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann upang ipagdiwang ang ika-13 kaarawan ng kanilang anak na si Ellie, sa isang espesyal na party na inorganisa ng aktor.

Dumalo sa selebrasyon ang mga kapatid ni Andi na sina Ryan, Gabby, at Stevie, pati na rin ang mga nakababatang kapatid ni Ellie na sina Lilo at Koa.

Sa isang video greeting na inilabas noong Huwebes, Nob. 28, sinabi ni Jake na proud siya na narating ng anak.

--Ads--

Samantala, sinabi naman ni Andi na hindi siya makapaniwalang mabilis na pagtakbo ng oras at panahon.

Sa kanyang socail media post, ibinahagi ni Andi na bumiyahe sila ni Ellie at ng mga nakababata nitong kapatid mula Siargao papuntang Maynila upang ipagdiwang ang kaarawan.