DAGUPAN CITY- Posibleng magkaroon ulit ng bagong kaguluhan.
sa gitnang silangan, lalo na sa Israel dahil sa kanilang political agenda.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eric Calma Regala, Bombo International News Correspondent – Israel, may mga Pilipino rin sa nasabing bansa ang nakatanggap ng notification tungkol sa ilang mga banta sa kanilang bansa galing sa Yemen.
--Ads--
Aniya, may mga pagkakataon rin na kailangan pa ring maging alerto ng mga mamamayan dahil walang kasiguraduhan kung susunod sa kasunduan ang mga bansang kasangkot.
Sa ngayon aniya ay balik na sa normal ang kalakaran sa nasabing bansa matapos ang giriian ng Israel at Iran.
Hiling naman niya at ng mga Pilipino sa Israel na magkasundo-sundo na ang mga bansa sa Gitnang Silangan.