Mga Kabombo! Feeling bitter ka pa rin ba sa iyong ex?
Hanggang saan ang kaya mong gawin upang ipadama na hindi niya siya ang iyong love of your life sa darating na Valentine’s Day.
Isang kakaibang promo mula sa Memphis Zoo sa Tennessee, USA, ang tiyak na magpapatawa sa inyo.
Sa halagang $10, maaari mong ipadala ang isang nakakatuwang video ng elepante na nagpo-poop sa iyong ex!
Bilang isang makulay at masayang paraan ng pagdiriwang ng Valentine’s Day, nag-aalok ang zoo ng dalawang opsyon, isang video ng cute na red panda na kumakain ng ubas, at isang video ng elepante na nagpapakita ng natural nitong kalikasan.
Para sa mga naghahanap ng kakaibang paraan upang magpadala ng mensahe ng pagmamahal o paghihiwalay, itinuturing ito bilang isang perfect na regalo.
Sa halagang $10 lamang, makikinabang ka hindi lang sa pagbigay ng masayang regalo, kundi makakatulong ka rin sa pangangalaga ng mahigit 3,500 na hayop sa zoo. Ang alok ay tatagal hanggang Pebrero 12.