DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Mahilig ka ba sa mga alagang hayop?

Alam mo bang maaari mo rin silang maging katuwang sa bahay?

Isang nakakatuwang tagpo kasi ang nag-viral kamakailan sa social media matapos ibahagi ng isang pet owner mula sa North Carolina, Estados Unidos, ang pagiging masipag ng kanyang alagang unggoy na tila naging “instant assistant” niya sa bahay.

--Ads--

Sa mga post ng social media account na Life with Gaitlyn Rae, makikitang tumutulong ang unggoy sa iba’t ibang gawaing bahay.

Bukod sa pagiging alaga, tila itinuturing na rin itong katuwang sa araw-araw na gawain.

Umani ng milyong-milyong reacts at comments ang mga video at larawan ni Gaitlyn Rae, at marami ang natuwa sa pambihirang ugnayan ng hayop at tao.

Marami ring netizens ang nagpahayag ng paghanga sa talino at disiplina ni Gaitlyn Rae, na tila ba sanay na sanay sa mga gawaing bahay.

Dahil dito, naging inspirasyon ito sa ibang pet owners na mas pahalagahan at turuang maging responsable ang kanilang mga alaga.