Isang lalaki, na kilala rin bilang “Ang-Ang” Santos, ang nasa kritikal na kondisyon matapos umanong masangkot sa insidente ng pagkabaril sa sarili na naganap sa Sitio Aling, Brgy. Pangal, Dagupan City na residente rin ng nasabing lugar.

Ayon kay Brgy. Tanod Chief Orlando Flores, nabaril ng biktima ang kanyang sarili gamit ang isang uri ng baril. Bago umano nangyari ang insidente ay may dalawang kasama ang biktima, at kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Ayon naman kay Brgy. Kagawad Tito L. Ki, isang putok lamang ng baril ang umalingawngaw. May mga residente rin umanong magsabi na pinaglalaruan ng biktima ang baril bago ito pumutok.

--Ads--

Sa pag-iimbestiga, nakarekober umano ang mga awtoridad ng dalawang basyo ng bala ng 9mm caliber pistol– isa sa loob ng kuwarto at isa sa labas niyo. Napansin din umano na nalinis na ang bahagi ng pinangyarihan bago pa man matapos ang imbestigasyon.

Samantala, ayon naman sa kapitbahay na si “Risa”, wala namang nakakita sa insidente. Nakarinig lang umano sila ng putok ng baril, at nakitang nakahandusay ang biktima at nakitang duguan.

Ibinahagi naman ng tiyahin ng biktima ang mga pangyayari pagkatapos maisugod sa ospital ang biktima. Dagdag pa niya, kasama umano ng biktima ang isang pinsan at isang kaibigan ng mangyari ang insidente, ngunit paglilinaw, ay ito ay “self-accident”. Aniya, sa isinagawang pagsusuri ng mga doktor, lumalabas na nasa kritikal na kondisyon ang lakaki at kinakailangang bantayang mabuti dahil sa matinding pagkawala ng dugo.

Ikinuwento rin ng tiyahin na nakapagsalita pa umano ang kanyang pamangkin habang nasa ospital ngunit hirap na hirap na ito dahil sa sakit.

Umaasa naman ang pamilya na malalampasan ng biktima ang keitikal nitong kondisyon habang nagpapasalamat sa agarang pagtulong ng mga doktor na umalalay sa kanila.

Patuloy naman umanong nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng pamamaril.