DAGUPAN CITY — Nakapagtala na ng isang pagkasawi ang hanay ng Urdaneta City Tricycle Operators and Drivers’ Assocation (TODA) dahil sa heat stroke.
Ito ang ibinahagi ni Ramon Ramos, Presidente ng nasabing samahan, sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.
Aniya na mayroong dalawa o tatlo sa kanilang kasamahan na tinamaan ng heat stroke simula ng mag-umpisa ang matinding init na panahon na nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan.
--Ads--
Bagamat mabilis na gumaling ang ilan sa mga ito ay nasawi naman ang isa sa kasamaang-palad.
Kaya naman ay patuloy nilang pinag-iingat ang kanilang mga kasamahan lalo na sa mga patuloy na namamasada upang maiwasan ang naitatalang insidente ng heat stroke.