BOMBO DAGUPAN – Naging viral sa India ang kasal ng isang Indian guy at kanyang mother-in-law na may basbas ng father-in-law.

Ang Indian guy na nakilalang si Sikandar Yadav, 45, ay nabiyudo matapos pumanaw ang kanyang misis.

Nang lumipat si Sikandar at ang kanyang mga anak sa bahay ng in-laws sa Heer Moti village sa Bihar, isang state sa East India ay doon na nagsimulang mahulog ang loob sa isa’t isa ni Sikandar at ng kanyang biyenan na si Geeta Devi, 55.

--Ads--

Di nagtagal, nagkaroon sila ng romantic affair, na pilit itinago sa kanilang mga kapamilya, lalo na sa father-in-law ni Sikandar na si Dileshwar Darve.

Kalaunan ay natuklasan ang secret affair nina Sikanda at Greeta at kumalat sa kanilang komunidad, at nakarating sa kaalaman ni Dileshwar.

Ayaw mang maniwala ni Dileshwar, nagkaroon na rin ito ng pagdududa sa nakikitang kakaibang closeness nina Sikandar at Geeta.

Palihim nitong sinubaybayan ang dalawa at minsan ay natiyempuhan niyang magkayakap ang son-in-law at ang misis at hindi iyon simpleng pagyayakap lang n dahil kitang-kita ni Dileshwar ang heat of passion sa pagitan ng dalawa/

Nakumpirma ni Dileshwar na totoo ang tsismis kaya naghain siya ng reklamo sa Panchayatang katumbas ng barangay council sa Pilipinas at hiniling na resolbahin ang problema ng kanilang pamilya.

Matapos marinig ang panig ni Dileshwar, ipinatawag ng Panchayat sina Sikandar at Geeta subalit sa pagkabigla ng lahat, hindi itinanggi ni Sikandar na mayroon silang affair ng kanyang mother-in-law gayundin na umamin din si Geeta na mahal na niya ito.

Dahil sa rebelasyon ng dalawa, napagpasyahan ng council na gawing pormal ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapakasal.

Maluwag sa kalooban na tinanggap ni Dileshwar na na-fall out of love na sa kanya si Geeta.

Ang higit na kahanga-hanga, tumulong pa si Dileshwar na i-organisa ang kasal ng dalawa.