Ibinahagi ni Bishop Oriel Ballano ang kanyang pagbisita sa Senado nitong Martes, Mayo 19, kung saan siya at ilang kasama ay nanalangin para sa ilang Senador.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Ballano na nagtungo sila sa Senate House upang dalawin at ipanalangin si Senate President Alan Peter Cayetano, pati na sina dating Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senador Mark Villar, na kasalukuyang chair ng Senate Committee on Finance.

“At the Senate House just to visit and prayed for our SP Alan Peter Cayetano,” ani Ballano sa kanyang post.

--Ads--

Kasama ng obispo sa pagbisita sina Pastor Dave Galido, Pastor Fred DeChaves, at Pastor Ike Serapio.

Ayon sa kanya, layunin ng kanilang pagdalaw ang panalangin para sa paggaling at pagkakaisa ng bansa.

“Lord heal our land as we humbled ourselves and prayed,” dagdag niya.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon online ang naturang post, kung saan may ilang netizens na sumuporta sa panawagan para sa panalangin para sa mga lider ng bansa.

Si Cayetano ay nahalal bilang Senate President noong Mayo 11 matapos makuha ang mayoryang boto sa plenaryo, kapalit ni dating Senate President Tito Sotto III, na ngayon ay Minority Leader.

Samantala, si Estrada ay isa sa mga mambabatas na patuloy na humaharap sa kasong graft at plunder cases.