DAGUPAN, CITY— Nakitang palutang-lutang at wala nang buhay ang isang lalaki sa isang fishpond sa bayan ng Binmaley.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, sakay umano ng kanyang bisikleta ang 34-anyos na biktima na si Wilbert Billones mula sa Barangay Canaoalan, Binmaley nang mahulog ito sa isang fishpond sa kanilang lugar.

Dahil sa lalim ng fishpond, nalunod ang biktima na siyang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa imbestigasyon, posibleng nahilo ang biktima dahil hindi umano ito nag-almusal kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela.

--Ads--

Pasado 5:30 ng umaga nang umalis ang biktima upang pumasok sa kanyang trabaho at pasado alas-8 na ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa fishpond na tinatayang higit 2 oras na mula nang ito’y malunod.