DAGUPAN CITY- Nasawi ang isang 73 anyos na ginang sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara matapos mabundol ng isang ambulansiya.

Ayon kay PLt. Col. Michael Datuin, Chief of Police ng Sta. Barbara PNP, ang biktima ay napag-alamang residente ng Brgy. Bued, Calasiao.

Lumalabas sa kanilan imbestigasyon na nangyari ang insidente habang dumadaan sa pedestrian lane ang ginang at matulin naman ang takbo ng ambulansya dahil may sakay itong pasyente.

--Ads--

Nagtamo ang biktima ng malalang head injury dulot ng pagtilapon nito sa lakas ng pagkakabangga.

Sinubukan naman siyang itakbo sa ospital subalit sa kasamaang palad ay idineklara rin itong dead on arrival.

Ani PLt. Col. Datuin, patuloy pa rin iniimbestigahan ang inidente.