DAGUPAN CITY- Timbog sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Mangaldan ang isang 33-taon gulang na lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga.

Ayon kay PLt. Col. Roldan Cabatan, Chief of Police ng Mangaldan PNP, ang arestadong suspek ay tubong Nancamaliran East ng syudad ng Urdaneta.

Nakumpirma ang suspek sa isinagawang operasyon nang makumpiskahan ito ng hinihinalang shabu nay bigat na 18 grams at may halagang P122,000.

--Ads--

Kasalukuyan itong nakapiit sa Mangaldan PNP habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensie Dangerous Drug Act.

Samantala, patuloy ang kanilang monitoring na may kinauugnayan sa droga sa kanilang bayan.

Binabantayan aniya nila ang mga supplier o ang mga nagbabagsak ng mga hinihinalang droga sa Mangaldan.

Kabilang din sa kanilang kampanya kontra iligal na droga, nagsagawa din dila ng surprise drug test sa mga kapulisa ng bayan. Kaya nagpapasalamat si Cabatan nang magnegatibo ang mga ito.