Nag-iinit at sumisiklab na Guinness World Record ang nakamit ng isang British daredevil sa kakaiba nitong backflip.
Dahil hindi lang ito simpleng uri ng pag-tumbling dahil nagawa ni Ryan Luney, 28 anyos, ang magbackflip ng pitong beses sa loob ng 30 seconds habang nasusunog.
Para magawa ito, kinailangan ni Luney na magsuot ng protective gears at pasiklaban ang sarili habang ginagawa ang nasabing acrobatic movements.
--Ads--
Gayunpaman, hindi nainitan si Luney dahil kasama sa kaniyang proteksyon ay ang ilang layers ng gel sa ilalim ng mga kasuotan.
Ang gel na ito ay inilagay sa fridge sa loob ng 4 oras.
Matapos magawa ang pagtatangka sa record, agad din siya ginamitan ng fire extinguisher.