DAGUPAN CITY- Muling binuksan ng Iran ang bahagi ng kanilang himpapawid sa silangang bahagi ng bansa.

Ang hakbang ay kasunod ng ceasefire o tigil-putukan sa pagitan ng Iran at Israel na nagtapos sa 12 araw ng sagupaan.

Matatandaang isinara ng Iran ang kanilang airspace noong Hunyo 13 matapos ang malawakang pambobomba ng Israel, na sinagot ng Iran sa pamamagitan ng sunud-sunod na missile strikes.

--Ads--

Isa sa mga muling binuksang paliparan ay ang Mashhad Airport, na ayon sa Israel ay isa sa mga tinarget nito sa gitna ng labanan.

Bukas na rin ang mga paliparan sa Chabahar, Zahedan, at Jask.

Gayunpaman, nilinaw ni Akhavan na ang mga domestic at international flight sa iba pang bahagi ng Iran, kabilang ang kabisera na Tehran, ay hindi pa rin pinahihintulutan hangga’t wala pang bagong abiso.