Pinahihintulutan ng Iran ang pagdaan ng mga “non-hostile vessels” sa Strait of Hormuz, basta’t makikipag-ugnayan sa mga awtoridad nito.

Mahalaga ang rutang ito sa pandaigdigang kalakalan, lalo na sa langis, at patuloy itong kokontrolin ng Tehran hangga’t walang kasunduang naaabot.

Inaasahan namang magpadala ng tropa ang Pentagon mula sa 82nd Airborne Division sa Gitnang Silangan upang dagdagan ang presyon sa Iran na muling buksan ang naturang daanan.

--Ads--

Ayon kay US President Donald Trump, kasalukuyan nang isinasagawa ang pag-uusap para wakasan ang sigalot, habang bumaba ng humigit-kumulang 6% ang presyo ng langis.

Patuloy naman ang palitan ng pag-atake sa pagitan ng Israel at Iran, at iniulat na may anim na nasawi sa timog Lebanon.

Samantala, may ulat na naglatag ang US ng 15-puntong plano para tapusin ang digmaan, bagama’t hindi pa ito nakukumpirma.