BOMBO DAGUPAN – Binaril ng 8 beses ng hindi pa natutukoy na gunman ang Incumbent-SK Chairman sa bayan ng Bugallon.

Ayon kay PMAJ. Ramsey Ganaban COP, Bugallon PNP habang bumibili sa tindahan malapit sa kanilang bahay ang biktima ay may nakita itong kahina-hinalang tao na nakatambay sa isang madilim na parte ng kalsada habang sakay ng bisikleta.

Aniya na nilapitan at sinita ito ng biktima kung saan ay nagkaroon pa sila ng pag-uusap. Subalit noong paalis na siya ay binaril ito ng suspek.

--Ads--

Kaugnay nito ay nagpapagaling na ang biktima at patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan.

Naghihintay na lamang sila ng go signal ng medical staff ng biktima upang makausap at matanong ito tungkol sa insidente.

Nagpaalala naman ito sa lahat na kapag may nakitang kahina-hinala na tao ay mainam na idirekta nalang agad sa pulis upang maiwasan ang ganitong pangyayari.