DAGUPAN CITY–Humihingi ng tulong ngayon ang ilang residente sa bayan ng Villasis matapos na masira ang kanilang mga tahanan dahil sa pananalasa ng buhawi partikular na sa Zone 6 Brgy Amanperez .

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pananalasa ng buhawi sa lugar na tumagal ng 15 segundo.

Dahil sa lakas ng buhawi limang tahanan ang nasira.

--Ads--

Ilang puno at mga pananim din ang naapektuhan nito.

Hiling ng mga residente ang tulong dahil sa nararanasan nilang hirap bunsod na rin ng kawalan ng trabaho dulot ng Covid 19 pandemic.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang tulong sa mga naapektuhang residente.