Inulan ng missiles at drone strikes ng Houthi militants ng Yemen ang ilang oil facilities sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Yahya Saree, ang tagapagsalita ng Houthi military, na tinamaan nila ang Aramco facilities na matatagpuan sa Abha, Narjan at Jizan.
Maging ang airbase sa Khamis Mushait ay tinamaan din ng Houthi rebels.
--Ads--
Una ng sinisi ng Houthi rebels ang Saudi Arabia na sila ang umatake sa kanila kaya gumanti lamang sila.
Inakusahan kasi ng Houthis ang Saudi Arabia na binigyan nila ng armas ang mga sundalo ng Yemen para lumaban sa mga rebeldeng grupo.
Dahil sa pangyayari ay gumanti ang Saudi Arabia kung saan tinamaan nila ang al-Jubah District sa Marib ang lugar sa Yemen na kontrolado ng Houthi. | via Bombo Jovino Galang










