DAGUPAN CITY- Nakatanggap ng pang-negosyo mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa ilalim ng consumers products retailing project, ang ilang mga residente sa bayan ng Mapandan.
Kabilang sa mga natanggap ng mga benepisyaryo ay mga produktong paninda at mga kagamitan na magagamit sa kanilang negosyo.
Bahagi ang proyektong ito sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na may layunin na magbigay ng kabuhayan at pagkakataon sa mga mahihirap na sektor.
Ang matagumpay na implementasyon ng programa na ito ay dahil sa suporta ng pamahalaan.
Ilan pa sa mga opisyalng DOLE ang dumalo upang magbigay gabay at suporta at tumulong para matiyak ang tagumpay ng proyekto.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa mga bumubuo ng proyektong ito dahil sa naibigay na pagkakataon para makapag-umpisa ng negosyo.