Dagupan City – Isinagawa ng Local Government Unit (LGU) Lingayen ang ikalawang Civil Society Organization (CSO) Meeting bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng komunidad.
Layunin ng pagpupulong na mabigyan ng pagkakataon ang mga CSO na maibahagi ang kanilang mga pananaw, suhestiyon at mga usaping may kaugnayan sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng boses at aktibong pakikilahok ng bawat sektor sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng pamahalaang lokal.
Sa pamamagitan ng patuloy na dayalogo, inaasahang mapalalakas ang koordinasyon sa pagitan ng LGU Lingayen at mga organisasyon sa komunidad.
Itinuturing na mahalagang bahagi ng pagpapaunlad ng bayan ang kooperasyon ng iba’t ibang sektor upang maisulong ang mga adhikain at serbisyong makatutugon sa pangangailangan ng mga Lingayenense.










