Patuloy ang pagbuhos ng tulong sa Venezuela mula sa iba’t ibang bansa kasunod ng pagtama ng dalawang magkasunod na malalakas na lindol.
Nanguna sa pagpapadala ng tulong ang Estados Unidos na nag-deploy na ng kanilang mga elite rescue team, medical resources, at humanitarian assistance.
The US State Department also announced the allocation of $150 million in aid, while the US Military ordered its forces in the region, including the amphibious transport ship USS Fort Lauderdale and transport aircraft, to support relief operations.
Agad din namang kumilos ang iba pang mga bansa at organisasyon kung saan nakikipag-ugnayan na para sa agarang deployment ng urban search-and-rescue teams ang United Nations.
Magpapadala naman ang Colombia ng humanitarian aid, kasama ang mahigit 60 rescuers at apat na search dogs.
Magdedeploy ang El Slavador ng contingent na may 300 rescuers at paramedics, bukod sa 50 metrikong tonelada ng mga medisina at kailangang suplay.
Ang Chile naman at magpapadala ng specialized urban search and rescue unit mula sa kanilang fire department.
Kinumpirman naman ni Cuban President Miguel Diaz-Canel na aktibo nang tumutulong ang kanilang mga health personnel sa pag-aalaga sa mga biktima.
Lumipad na rin patungo sa Venezuela ang specialized personnel ng Dominican Republic dala ang mga emergency supply.
Nagpadala rin si Pope Leo XIV ng initial aid package na nagkakahalaga ng 100,000 euros o humigit-kumulang $113,700
Samantala, nagpadala rin ng kani-kanilang rescue teams at tulong ang mga bansang Panama, Spain, Mexico, France, at Japan. Nagpahayag naman ng kahandaang tumulong ang European Union, Iran, at China, habang dagsa rin ang suporta mula sa iba’t ibang organisasyon at mga civilian volunteers. //via Bombo Everly Rico










