Inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na inatasan niya ang hukbong militar ng Israel na sakupin ang 70% ng teritoryo ng Gaza.
Noong huling bahagi ng Abril, naglabas ang Israel Defense Forces (IDF) ng mga mapa sa mga international aid group na nagpapakita na kontrolado na ng militar ang humigit-kumulang 64% ng Gaza.
Ang pagkuha pa ng mas malaking bahagi ng Gaza ay magtutulak sa humigit-kumulang 2 milyong Palestino na masiksik sa lalong lumiit na bahagi ng wasak na teritoryo ng coastal enclave.
Sa ilalim ng isang ceasefire agreement noong Oktubre 2025 sa pagitan ng Israel at Hamas, umatras ang mga puwersang Israeli sa isang linya ng demarkasyon na tinatawag na “yellow line,” na nag-iwan sa kanila ng kontrol sa humigit-kumulang 53% ng Gaza.
Matatandaan na inakusahan ng Hamas ang Israel na binabago ang naturang linya, na sinasabing ito ay “hayagang at patuloy na pagwasak sa kasunduan ng tigil-putukan.
Nagbabala si Nickolay Mladeno na isang diplomat mula Bulgaria na nangangasiwa sa pagpapatupad ng kasunduan, noong nakaraang buwan na kung walang pag-usad, ang “yellow line” ay maaaring maging bakod at isang permanenteng paghihiwalay ng Gaza.
Inamin din ni Mladenov ang sitwasyon sa Gaza kung saan “patuloy na may mga sibilyang namamatay” at “ang mga pamilya ay nabubuhay sa takot” dahil sa mga airstrike ng Israel.










