Naitala ang palitan ng piso para sa dolyar sa P59.73, bagay na mas mahina kumpara sa record sa mga nakalipas na araw.
Ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), matamang binabantayan nila ang antas na ito dahil may malaking impact sa importers at exporters.
Kung ikukumpara sa tala kahapon, bahagyang mas mataas ito kumpara sa P59.38, na nagpapakita ng patuloy na paghina ng piso.
Sinasabing nakikinabang ang mga pamilyang tumatanggap ng remittances mula sa abroad dahil mas malaki ang halaga ng dolyar, ngunit tumataas din naman ang presyo ng imported goods at produktong petrolyo.
Patuloy na mino-monitor ng BSP ang foreign exchange market upang maiwasan ang sobrang volatility at mapanatili ang stability ng piso.
Ang pagtaas ng dolyar ay dulot ng global oil price volatility at mas mataas na demand para sa imports at debt servicing.
Kaugnay nito, nananatiling hamon para sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagpapanatili ng matatag na piso sa gitna ng pabagu-bagong pandaigdigang merkado. Via Bombo Dennis Jamito










