Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ang guest relation officer na isa ring single parent na natagpuang wala ng buhay sa gilid ng ilog sa Brgy. Tagac, Mangatarem, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Annalyn Canonisado, 32-anyos, isang single pa­rent at residente ng Brgy. Poblacion, Porac, Pampanga.

Sinuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Provincial Laboratory Office sa pangunguna ni Police Major Myrna Malojo ang pinangyarihan ng krimen.

--Ads--

Dito, pinaniniwalaang hinalay ang biktima ng mga salarin na tinatayang isa hanggang dalawang katao bago pinatay bagama’t isinasailalim pa sa post mortem examination ang bangkay nito upang mapatunayan na siya ay ginahasa.

Ayon naman kay Gng. Elvie, 50-anyos, ina ng biktima, nagpaalam ang kanyang anak na makikipag-date sa ka-textmate na si Florante Fortin Jr.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na nakipagkita nga ang biktima kay Fortin kung saan kasama rin umano sa kanilang tipanan ang isang Rolando Moreno.

Gayunman, nabigo nang makauwi sa kanilang tahanan ang biktima hanggang sa madiskubre ang bangkay nito sa tabing ilog.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Maj. Aurelio Manantan, OIC-Chief of Police ng Mangatarem PNP, sinabi nito na nasa state of decomposition na ang bangkay ng biktima nang matagpuan at halos hindi na makilala.

Positibo naman itong kinilala ng kaanak at manager nito sa bar.

Simula rin aniya nang mangyari ang insedente ay hindi pa umuuwi sa kanilang tahanan si
Tococ Barikir Brgy. Kgwd Florante Fortin at kasamahan nito na si Rolando Moreno na siyang tinukoy na naglabas sa biktima.