Nagsagawa ng peace rally ang grupo ng mga Pilipino sa Sweden na sumusuporta kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa mahigit isang daang tao ang dumalo sa nasabing pagtitipon mula sa ibat ibang sulok ng bansa na sa pangkalahatan ay naging maayos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vivien Pawid Nyström, Bombo International News Correspondent sa Sweden, illegal aniya ang pagkakakulong sa ICC detention center ni Duterte.
Umaasa silang magkakaroon ng himala at makakabalik na sa bansa ang dating pangulo.
Tinukoy niya na noong panahon ng administrasyong Duterte ay naging malinis ang bansa,maraming pagbabago,maraming natulongang OFW at maraming natakot na gumawa ng masama kaya naman ganoon na lamang ang paghanga nila rito.
Nabatid na bago naman ang rally ay nag aplay muna aniya ng permit mula sa mga otoridad ang mga organizer at may mga nagboluntaryo ring tumulong para sa ikatatagumpay ng rally.
Sa nasabing pagtitipon, bukod sa pagpaparating ng suporta kay FRRD ay mayroon ding mga sayawan at kantahan.