Dagupan City – Ibinahagi ni rap artist Gloc-9 sa publiko na malaki umano ang naitulong ni Andrew E sa naging tagumpay niya sa music industry.

Ayon sa rapper ay pinupuntahan pa niya mismo sa kanilang bahay sa Andrew E noong nagsisimula pa lamang ito.

Kaugnya nito ay ibinahagi rin niya ang naging malalim umanong samahan nila ng namayapang Master Rapper na si Francis “Kiko” Magalona na kaniyang numero unong hinahangaan.

--Ads--

May oras din daw na, inimbitahan niya si Kiko bilang ninong, at nagkataon na may family dinner date, ngunit ang ginawa raw ni Kiko ay ginawa niyang malapit do’n sa binyag para lang maka-attend ito.

Dagdag pa rito, humihingi rin daw si Gloc-9 kay Kiko minsan ng pangbayad sa tution noong panahong kumukuha ito ng kursong nursing para lamang may maipangbayad.

Inilarawan naman nito ang yumaong rapper bilang isang kaibigan na maasahan sa oras ng pangangailangan.