Dagupan City – Nagsagawa ng feeding program para sa mga mag-aaral sa ilang paaralan sa Binmaley, Pangasinan nitong Setyembre 18, 2026, bilang bahagi ng mga hakbang upang makatulong sa kanilang kalusugan at nutrisyon.
Pinangunahan ni First Lady Ana Marie Domingo-Merrera ang aktibidad sa Poblacion Daycare Center, Binmaley Central Elementary School at Malindong Elementary School, kung saan namahagi ng pagkain para sa mga learners.
Ayon sa inilahad na impormasyon, isinagawa ang programa sa personal na kapasidad ng pamilya at sinuportahan din ng ilang anonymous donors na piniling magbigay ng tulong nang hindi nagpapakilala.
Layunin ng naturang inisyatiba na makatulong sa pangangailangan sa nutrisyon ng mga bata at maipakita ang patuloy na suporta sa kanilang kalusugan, kapakanan at pag-unlad.










