DAGUPAN CITY- Pinag-aaralan na ng pamahalaang panlalawigan ang pagkakaroon ng electric vehicles sa Pangasinan bilang pagtugon sa nararanasang krisis sa bansa.

Ayon kay Gov. Ramon “Monmon” Guico III na layunin nito na mapapababa ang ginagastos na pamasahe ng mga mananakay.

Aniya, nakikipag-ugnayan a sila sa Department of Transportation (DOTr) at Local Government Units (LGU) upang magsagawa ng pag-aaral.

--Ads--

Habang inaalam naman ang mga kaukulang dokumento na kinakailangan sa tulong naman ng Land Transportation Franschising and Regulatory Board (LTFRB).

Sentro ng plano ang paglalagay ng ruta ng electric bus sa lalawigan na siyang ilulunsad sa taon na ito.

Kasabay pa nito ang planong pagtayo ng mga charging stations sa ilang mahahalagang lugar sa lalawigan upang mahikayat din ang publiko na lumipat na lamang sa e-vehicles.