DAGUPAN CITY–Kinaladkad ng isang dump truck ang nakatayong government tent sa motorcycle lane sa border checkpoint ng Brgy. Malued sa boundary ng Calasiao-Dagupan.

Ang nasabing insidente ay nagdulot ng traffic at pinsala sa government property ang paglabag sa batas trapiko ng driver ng naturang truck.

Ayon kay July Espino, traffic enforcer ng POSO Dagupan na nakaassign sa naturang border, nanggaling umano mula Calasiao ang dumptruck patungo sa kahabaan ng Lucao.

--Ads--

Aniya hindi umano nagmenor ang driver ng dumptruck ng ito ay harangin ng isa pang traffic enforcer sa halip ay dumiretso at mabilis na pinatakbo ang minamanehong truck sa direksyon ng motorcycle lane at pilit na inilusot ang sasakyan sa naturang tent.

Nagpapasalamat naman si Espino na hindi tumama sa kaniya ang malaking rillings ng tent at nagtamo lamang ng bahagyang pasa sa kaniyang kaliwang braso.

Maliban sa kaniya ay wala namang ibang nasugatan sa aksidente.

Maaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage of government property ang driver ng dump truck na dinala na sa himpilan ng Dagupan para sa karagdagang imbestigasyon sa pangyayari.

July Espino, Traffic enforcer – POSO Dagupan

Gayunpaman, hindi ito ang unang pangyayari na may truck na sumalpok sa tent dahil mayroon na ring naunang insidente na nangyari naman sa may borderline ng Caranglaan-Calasiao kung saan sangkot din ang isang truck.