Dagupan City – Nag-ikot ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa ilang supermarket sa Dagupan City upang tiyakin na tama at sumusunod sa Suggested Retail Price (SRP) ang mga ibinibentang basic necessities at prime commodities.
Sa isinagawang monitoring, napag-alaman ng ahensya na may ilang produkto pa nga na mas mababa pa sa SRP, na nagpapakita umano ng pagsunod ng mga retailer sa itinakdang presyo.
Ayon sa DTI, layunin ng inspeksyon na masiguro ang proteksyon ng mga mamimili at maiwasan ang anumang pagsasamantala sa presyo ng mga bilihin.
Nagpaalala rin ang ahensya na handa silang mag-isyu ng kaukulang show-cause order sakaling may mga lalabag sa patakaran sa presyuhan.
Samantala, tiniyak ng DTI na sapat pa ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa mga malalaking tindahan sa lalawigan.
Batay rin sa pahayag ng DTI Central Office, inaasahang mananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang Abril 16, at sakaling magkaroon man ng pagtaas, daraan muna ito sa masusing pagsusuri ng ahensya.










