Hindi pa inirerekumendang ipasilip ang mga negosyo ni Atong Ang upang mapaimbestigahan.
Ito ang ipinahayag ng Department of Justice dahil naniniwala si Justice Assistant Secretary Mico Clavano na hindi pa napapanahon ang pag-iimbestiga patungkol sa ‘financial records’ ng naturang negosyante.
Iginiit nito na ang pokus ngayon ng kagawaran ay ang pag-iimbestiga hinggil sa ‘murder case’ o mga kaso ng pagpatay at kidnapping kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.
Ani Assistant Secretary Mico Clavano ng Department of Justice “Well, it seems a little bit off tangent if for we’re just talking about the murder cases… so financially of course the state will always have an interest to that. Always, always. But if we’re just talking about this case then mukhang hindi namin isasama ang financial records pa,”.
Bunsod ito ng sabihin ng Bureau of Internal Revenue na handa nilang imbestigahan ang mga negosyo ni Atong Ang sa isinagawang ‘press conference’ kahapon sa DOJ.