Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na malaki ang pakinabang ng mga Pilipino sa biyahe sa Russia ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni DFA Assistant Secretary Dominic Imperial na kabilang na rito ang sa political security level.
Tinukoy ni Imperial ang pakinabang ng bansa sa mga pagsasanay at kooperasyon ng ating mga otoridad para sa paglaban sa terorismo at trans national crimes.
Dagdag pa ni Imperial,malaking bagay na napahuhusay ang kakayahan at kakayanan ng ating mga otoridad para sa law enforcement operations, pagbabahagi ng mga impormasyon, gayundin ang pagdaragdag sa kaalamang legal ng mga ito para hindi sila napaiikutan ng batas, at matugunan ang mga hamon sa bansa, kasama na ang pagsugpo sa iligal na droga.
Sa ilalim naman ng socio cultural pillar, makikinabang ang bansa sa mga usapin ng suporta o tulong para tugunan ang epekto at problemang dulot ng climate change, gayundin suporta sa kalusugan, at disaster management.










