Namahagi ang Department of Agrarian Reform ng libu-libong pakete ng binhi ng gulay sa mga magsasaka sa Pangasinan bilang tulong sa pagpapalakas ng produksyon sa gitna ng krisis sa enerhiya.
Aabot sa 3,725 benepisyaryo ang nakatanggap ng mahigit 16,000 pakete ng binhi na ipinamahagi sa pamamagitan ng mga organisasyon ng agrarian reform beneficiaries sa iba’t ibang distrito.
Kabilang sa mga pananim na ipinamigay ang ampalaya, talong, sili, sitaw, kamatis, at okra na angkop sa lokal na klima at maaaring magbigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka.
Layunin ng programa na matulungan ang sektor ng agrikultura na makayanan ang tumataas na gastos sa produksyon at mapanatili ang kanilang kabuhayan.
Patuloy ring nakikipag-ugnayan ang ahensya sa iba pang tanggapan ng pamahalaan upang matiyak ang dagdag na suporta para sa mga magsasaka.










