DAGUPAN CITY- Nagsagawa na ng forced evacuation ang bayan ng San Fabian dahil sa epekto ng bagyong Pepito sa lalawigan.
Ayon kay Engr. Lope Juguilon, Officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa nasabing bayan, kahapon ng alas-3 nang sinimulan nila ang evacuation sa dalawang barangay, kung saan nasa 61 pamilya o 209 indibidwal ang inilikas.
Kasama sa mga barangay na ito ay ang Nibaliw Narvante at Central Guilig.
--Ads--
Dagdag pa nito, vulnerable ang nasabing mga barangay sa matinding pagbaha.
Samantala, sinabi naman ni Engr. Juguilon, moderate lamang ang naranasan ng mga apektadong residente.
Pagdating naman sa agrikultura, wala naman naitalang pinsala dahil na ani na ang ilan sa mga ito.