Dagupan City — Dalawang bahay ang nasunog sa Barangay Pogo Grande, Dagupan City, dakong alas-4 ng hapon matapos umanong magsimula ang sunog dahil sa ianwang nilulutong balot sa isa sa mga bahay.

Batay sa paunang impormasyong nakalap, nagsimula ang apoy sa isang bahay bago ito kumalat sa katabing bahay at magdulot ng karagdagang pinsala.

Agad namang nakalabas ang mga taong nasa loob ng dalawang bahay nang magsimulang lumiyab ang mga ito, kaya walang naiulat na nasaktan sa insidente.

--Ads--

Rumesponde ang mga bumbero upang apulahin ang apoy, na tuluyang naapula dakong alas-4:45 ng hapon.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng pinsala sa dalawang bahay, gayundin ang iba pang detalye kaugnay ng insidente.