Dagupan City – Kalaboso ang dalawang babae matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Panoypoy, Barangay Paitan, San Carlos City, Pangasinan.
Isinagawa ang operasyon pasado alas-4 ng hapon laban sa dalawang suspek, na nagresulta sa pagkakumpiska ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 4.8 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱32,640.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek at ang nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga bilang bahagi ng dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Inihahanda naman ang pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
--Ads--










