Nagbabala ang Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga residente na mag-ingat sa patuloy na matinding init ng panahon sa lungsod.


Ayon kay Ronald De Guzman, hepe ng Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Office, , Nasa 33 hanggang 34 degrees Celsius ang temperatura sa ilang bahagi ng Dagupan, na maaaring magresulta sa mas mataas na heat index.


Dagdag niya, maaaring may kaugnayan ang nararanasang kondisyon sa mataas na sea surface temperature. Dahil dito, patuloy na minomonitor ang lagay ng panahon at ang posibleng pagtaas ng heat index sa lungsod.

--Ads--


Kasunod nito, pinayuhan niya ang publiko na iwasan muna ang hindi kailangang outdoor activities, lalo na sa oras ng matinding sikat ng araw. Hinihikayat din ang mga residente na uminom ng sapat na tubig at gumamit ng payong, sombrero o iba pang panangga sa init upang mabawasan ang panganib ng heat-related illnesses.


Samantala, may naiulat nang pagbibiyak ng lupa sa ilang bahagi ng northern areas ng Dagupan. Dahil dito, hinihikayat ang mga residente na magsagawa ng precautionary measures at manatiling alerto habang patuloy na minomonitor ang kondisyon at posibleng epekto ng matinding init sa mga susunod na araw.