Idineklarang under state of Calamity ang lungsod ng Dagupan dahil sa malawakang epekto ng pagbaha sa kabuhayan ng mga residente.

Ayon kay City Councilor Joey Tamayo, napagkaisahan ng City Council, napagkaisahan ng konseho sa pangunguna ng alkalde at bise alkalde ang deklarasyon dahil tinatayang 15 hanggang 20 porsyento ng populasyon ng Dagupan City ang naapektuhan ng baha.

Aniya, marami sa mga residente ang hindi makapasok sa trabaho dahil sa pagbaha, habang ilang establisyemento naman ang pansamantalang nagsara.

--Ads--

Bagama’t wala umanong malaking pinsala sa mga imprastraktura, sinabi ni Tamayo na kabuhayan ang pangunahing naapektuhan ng sitwasyon.

Batay sa umiiral na batas at mga pamantayan para sa deklarasyon ng state of calamity, maaaring isaalang-alang ang naturang deklarasyon kapag malaking bahagi ng livelihood ng komunidad ang naapektuhan ng isang kalamidad.

Inaasahang makatutulong ang deklarasyon upang mapabilis ang pagtugon at pagbibigay ng kinakailangang ayuda at iba pang suporta sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.